Nasilaw ako sa mainit na sinag ng araw
Aba at tanghali na, nakahiga pa ako
Buong gabi pala akong gising
Naka titig lang sa kawalan
Nag iisip, nag tataka, nag tatanong
Tila nakalimutan ko na yata paano mag mahal
Hindi ko na yata alam ang pakiramdam
Ng may nag mamahal
Bigla kong tinanong sa aking sarili,
Paano nga ba ako magmahal?
Bumangon ako at hinanap ang mga lumang liham mo
Binasa ko yun at bigla akong napaluha
Bakit kaya mapag biro ang tadhana?
Mapag linlang ang pag-ibig?
Ngayon minamahal ka pero bukas ay iiwan ka.
Itinigil ko ang katangahan ko,
Pinunasan ko ang pisngi ko.
Isa-isa kong pinunit ang mga papel na nagpapa alala sayo,
Sana’y huli na ang pag iyak kong ito.
Kailan kaya ako ulit magmamahal?
Meron nga akong puso pero wala namang paglalaanan
Masarap nga akong yumakap pero wala namang pag bibigyan.
Para saan pa ang magpa kailanman kung lagi ka namang iiwanan?
Matatapos na naman ang araw na ako ay mag isa.
Sana ay hinahahanap na ako ng taong ako ay iibigin.
At kung sa pagbibigyan ng Diyos, na siya ay magiging akin.
Baka nga sya na ang aking huling mamahalin.
*** my first time to write a poem using my native language. It is a challenge but I love it :)
Monday, April 21, 2008
Ang Nagmamahal
Posted by C H E R at 5:38 PM 1 comments
Subscribe to:
Posts (Atom)